Thursday, October 18, 2007

Anak ka ng *

1. kumakain ka ng aratilis

2. nagpipitpit ng gumamela para gawing
soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na
tanggkay ng walis tingting

3. pinipilit ka matulog ng nanay mo
pag hapon at di ka papayagan maglaro pag
di ka natulog.

4. marunong ka magpatintero, saksak
puso, langit-lupa, teleber-teleber,
luksong tinik

5. malupit ka pag meron kang atari,
family computer or nes

6. alam mo ang silbi ng up, up, down,
down, left,right, left, right, a, b, a,
b, start

7. may mga damit ka na U.S.E.D., Boy
London, Cross Colors, Esprit, Blowing
Bubbles at pagnakakakita ka ng Bench na
damit eh naalala mo si Richard
Gomez

8. addict ka sa rainbow brite,
carebears, my little pony, thundercats,
biom an, voltes v, mazinger z, daimos,
he-man at marami pang cartoons na hindi
pa translated sa tagalog

9. nanonood ka ng shaider kasi
nabobosohan mo si annie at type na type
mo ang puting panty nya

10. marunong ka mag wordstar at
nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy
disk

11. inaabangan mo lagi ang batibot at
akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie
at ate sienna... nung high school ka
inaabangan mo lagi beverlyhills 90210,
Melrose PLace at Baywatch

12. gumagamit ka ng AQUANET para
pataasin ang bangs mo o kaya michaels

13. meron kang blouse na may padding
kung babae ka at meron kang sapatos na
mighty kid kung lalake ka

14. nangongolekta ka ng paper
stationaries at mahilig ka magpapirma sa
slumbook mo para lang malaman mo kung
sino ang crush ng type mo

15. kilala mo si manang bola at ang
sitsiritsit girls, si luning-ning at
luging-ging

16. alam mo ibig sabihin ng Time Space
Warp at di mo makakalimutan ang Time
Space Warp chant

17. idol mo si McGyver at nanonood
kang Perfect Strangers

18 eto malupet... six digits lang ba
ang phone number nyo dati

19. nakakatawag ka pa sa pay phone ng
3 bentesing ko lang ang dala

20. cute pa si aiza seguerra sa eat
bulaga at alam mo ang song na "eh kasi
bata"

21. inabutan mo ang Magnolia Chocolait
na nasa glass bottle pa na ginagawang
lalagy an ng tubig ng nanay mo sa ref

22. meron kang pencil case na maraming
compartments na pinagyayabang mo sa mga
kaklase mo

23. noon mo pa hinahanap kung saan ang
Goya Fun Factory at ang Sugarland

24 . alam mo ang kantang "gloria
labandera ".. lumusong sha sa tubig ang
paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni
marie"

25 . sosyal ka pag may play-doh ka at
Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe
action figures at iba pa ang mukha ni
barbie noon

26. inabutan mo pa yung singkong
korteng bulaklak at yung diyes na square

27 . lumaki kang bobo dahil ang akala
mo nangangagat talaga ang alimango sa
kantang tong-tong-tong... diba naninipit
yun

28. alam mo yung kwento ng pari na
binigyan ng pera yung batang umakyat ng
puno para bumili ng panty... and
shempre, alam mo rin ba kung ano binigay
nya sa nanay nung umakyat ng puno pati
ang mga kwento na bida si juan at
pedro

29. meron kang kabisadong kanta ni
andrew e na alam mo hanggang ngayon
aminin !!!

30. laging lampin ang sinasapin sa
likod mo pag pinapawisan ka o kaya
dyaryo or movistar magazine

31. bumibili ka ng tarzan, texas at
bazooka bubble gum, tira-tira, at yung
kending bilog na sinawsaw sa asukal at
the famous LALA na uutuin ka ng tindera
na lasang MILO

32. kinukupit mo pa at nanonood ka ng
mga porno tapes ng tatay mo na nasa
BETAMAX format pa. at sanay ka tawagin
ang porn as BOLD

33. takot ka dumating ang year 2000
dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo

No comments: